Archive for September, 2012

Mga Pangarap na Nauwi sa Wala.

Posted: September 25, 2012 in With friendships.

Dame niyong pinangarap sa isa’t-isa. Nangako siya na ikaw ang papakasalan. Kailan niya sinabi yun? Nung araw na masaya siya, nung araw na masaya kayong dalawa. Pero nakakainis naman talaga diba? Tipong nakakatuwa at dumating sa punto na nag plano kayong dalawa sa pagpapakasal. Tipong sa murang edad eh napag iisipan niyo na yun. Yung mapapaisip ka na ang saya nga sana kung matutuloy, kaso ang tagal pa, sobrang tagal pa mangyayari dahil marami pa kayo dapat gampanan. 

Pati pangalan ng anak niyo naisip niyo na, minsan nga trying hard pa kayong dalawa mag-isip ng pangalan na maganda kapag nag combine ang pangalan niyo eh. Tapos kung sino ang mag tatrabaho, kung sino ang maiiwan sa bahay palagi, at kung gaano kaganda ang bahay. Marami bang binatana? Magagandang pintuan? At magagarbong ilaw at bubuo kayo ng isang magandang pamilya.

Sobrang dami nga namang napag-uusapan kapag masaya kayong dalawa. Pero di nga naman lagi eh masaya ang relasyon. Kapag nalungkot ang isa dahil sa pakiramdam na nagsasawa na siya or pinagsawaan na siya. Para bang nakaka gago na yung mga pangarap niyo eh nawala na lang ng ganun ganun na lang. Paano ba naman kasi wala kang magagawa kung ganun ang nangyari. Tipong kapag naghiwalay kayo maiiyak ka nalang kapag binabanggit mo yung mga bagay na pinangarap niyo dati.

Tapos matatapos ang relasyon na parang walang nangyari, matatapos ang relasyon na parang walang salitang binitawan. Naglaho lahat na parang bula. Biglang gusto mong mauntog ng malakas para mag ka amnesia at makalimutan siya ng tuluyan. 

Pero di mo magawa… Mahal mo eh.

 

Eto kami ngayon 😥Image..